Wikang Filipino sa atin ito!

    Ang buwan ng wika ay ipinagdiriwang taon-taon tuwing Agosto. Ito'y upang pahalagahan ang ating pambansang wika, ang Filipino. Ngayong taon, ang tema ay "Filipino wika ng saliksik".

     Ang pananaliksik ay isang paraan upang makakuha ng impormasyon. Ito'y upang mapalawig ang ating nalalaman sa mga bagay-bagay. Ang wikang Filipino ay ang wikang ginagamit ng lahat ng tao dito sa Pilipinas. Ang saliksik ay mas naiintindihan kapag ito'y nakalahad sa wikang Filipino, at kung ganon,nakabubuo tayo ng ideya at pwede pa natin itong bahagi. Nalilikom ang mga ideyang ito na nagpapalawak sa ating kaalaman sa isang bagay.

    Mahalin natin ang ating sariling wika, dahil kung wala ito, hindi tayo magkakaintindihan. Wikang Filipino sa atin ito!

Comments

Post a Comment

Popular Posts