Gadyet, nakatutulong ba o nakakasama?

     Ipinagdiriwang ang Filipino Values Month taon-taon sa buwan ng Nobyembre. "Mapanuring Paggamit ng Gadget. Tungo sa Mapagkalingang Ugnayan sa Pamilya at Kapwa" ay ang tema sa taong ito. 

      Ginagamit natin ang ating mga gadyet upang mas mapadali ang ating mga gawain. Ginagamit ito sa pag-aaral, komunikasyon at iba pa. Malaking tulong ito para sa atin dahil di na nakakapagod ang mga gawain. Karaniwang ginagamit ang cellphone upang makipag-usap kahit malayo kayo sa isa't isa. Gaya na lang ng mga pamilyang naiwan sa bansa na nasa abroad ang kanilang kamag-anak.

     Pero dapat din nating tandaan ang ating mga limitasyon sa paggamit ng mga gadyet tulad na lang ng paggamit sa Social Media para sa pambubully. Hindi nga masama ang pag-unlad kapag ito'y ating ginamit sa maayos.

Comments

  1. Sa paggamit ng gadyet ay may nakaakibat na limitasyon! Isang maikli ngunit magandang artikulo Janssen!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts